Ang pagiging Epektibong Guro

Ayon kay Razon (2007) na nagsabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintalng impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay.

Dagdag pa ni Helminton (2006), nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sagawain, kaasalan at saloobin ng kanyang tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.

Ayon kay Perez (2012), malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy na nagbabago ang sistema nito dahil naiimpluwensiyahan ng patuloy na pagbabago ng panahon. Sa anumang antas ng pag-aaral, sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan. Sa palad ngmga guro nakasalalay ang mga malilikhaing gawaing makatutulong at magsisilbing gabay ngmga mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap ngmga guro sa pagtuturo. Binigyang-diin rin ni Bendaña (2013) na ang susi sa lahat ng suliranin samabisang pagtuturo ay ang guro.

1 komento:

  1. Hotel near Casino Lake Tahoe and Casino Lake Tahoe
    › casino-lake-tahoe › ht › casino-lake-tahoe › ht Located 3 miles from Lake Tahoe and 5 minutes from Casino Lake Tahoe, Hotel Lake Tahoe is within a 20-minute walk of Harrah's Lake Tahoe Casino 군포 출장샵 and Resort. 수원 출장마사지 Rating: 김포 출장안마 4 3,976 reviews Price range: $ (Based on Average 안양 출장샵 Nightly Rates for 김포 출장안마 a Standard Room from our Partners)

    TumugonBurahin